Ano nga ba sa tingin niyo ang ating pambansang ulam (pagkain)? Sabi ng iba LECHON daw dahil hindi ito mawawala sa handaan kapag may fiesta.Sabi naman ng iba TUYO daw kasi maka-masa (paborito daw ito ni Rizal, isa rin ito sa mga paborito kong agahan). Ang sabi naman ng mga malalandi, si COCO MARTIN daw haha (wow ulam commercial), pero para sa akin ang pambansang ulam ay ang ADOBO, though may ibat’ iba tayong bersyon.
May Adobong Ilocano, Adobong Ilonggo, Adobong Kapampangan, Adobong Batangas, Adobong Bisaya. Merong adobong puti, meron ding adobong itim, merong Adobo sa asin, adobo sa gata, adobo sa pinya, adobo sa dilaw, adobo sa kamatis?????? Lol..
Kanya-kanya ding trip kung ano gusto mong ihalo aside from the standard na suka, toyo, bawang, paminta, yung iba nilalagyan nila ng laurel o kaya basil leaves, yung iba, sprite; yung iba, brown sugar, yung iba red wine vinegar, pa sosyal lang teh..kahit ibat’iba ang timpla o luto ang adobo ay adobo pa rin, parang tayong mga Pilipino, kahit may iba’t ibang kultura, dialekto, pananampalataya, 100% , 50%, o kahit 25 % lang ang dugong Pinoy. Ang Pinoy ay Pinoy pa rin..
Ang favorite mong luto ni nanay adobo. Madalas mong baon sa iskwela ay adobo. Kapag may outing, hindi puwedeng mawala ang adobo (hindi kasi madaling mapanis), hindi rin mawawala sa mga karinderia o kainan ang adobo. Sa sobrang pagkahilig natin sa adobo, we adapt it commercially. We have instant pancit canton na adobo flavor, canned tuna adobo flavor, mani adobo flavor, chips adobo flavor, ice cream na adobo flavor???????????? Mayron ba talaga niyan? lol
Hind lang Baboy at manok ang puwedeng i-adobo, ang term kasi na “adobo” ay galing sa salitang kastila na ang ibig sabihin ay “inatsara” o “kinilaw,” kaya marami tayong puwedeng iadobo. Mayroon tayong adobong sitaw, adobong kangkong, adobong okra, adobong puso ng saging, adobong tokwa, adobong kambing, adobong baka, adobong atay at balunbalunanan ng manok, adobong pato, adobong isda, adobong pusit, adobong palaka, adobong bayawak,adobong sawa, adobong paniki, adobong salagubang, adobong uok, adobong kamaru, adobong kuhol,..at iba pa..lahat ata ng gumagapang, may pakpak, may apat na paa pwedeng gawing adobo ng mga Pinoy eh, haha, huwag naman po sana nating i-adobo pati sina bantay at muning!
No comments:
Post a Comment